Banking system sa bansa, nananatiling “sound and stable” – BSP

Tiniyak ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa publiko na nanatiling “sound and stable” ang banking system sa bansa.

Sa inilabas na abiso, available pa rin aniya ang financial services kahit limitado sa kasagsagan ng enhanced community quarantine.

Maliban dito, inihayag din ng ahensya na handa silang i-address ang lahat ng usapin ukol sa financial services lalo sa gitna ng COVID-19 crisis.

Tuloy pa rin anila ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga bangko para masigurong hindi naaantala ang mga transaksyon at iba pang aktibidad.

Hinikayat din nila ang publiko na kumuha ng online banking, e-money services at electronic fund transfer para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Read more...