Pagpapalaya sa low-risk detainees dapat nang aksyunan ng SC at DOJ

By Erwin Aguilon April 20, 2020 - 01:07 PM

Kuha ni Jong Manlapaz
Suportado ni Cagayan De Oro Rep. Rufus Rodriguez ang rekomendasyon na mapalaya ang low-risk at vulnerable detainees.

Ito’y matapos na magpositibo sa COVID-19 ang 9 na inmates sa Quezon City Jail.

Umapela si Rodriguez sa Korte Suprema at sa Department of Justice na payagang mai-release ang low-risk na mga bilanggo para maiwasang kumalat ang sakit sa mga kulungan.

Ayon sa kongresista, batid naman ng lahat na siksikan ang mga preso sa mga kulungan kaya imposibleng maipatupad ang social distancing sa detention facilities.

Isang detainee lang anya ang mahawa ng impeksyon ay tiyak na kakalat ang virus sa iba.

Kaya naman bago pa ito mangyari, hinimok ng mambabatas ang SC at DOJ na ikunsidera ang pagpapalaya sa mga low-risk at vulnerable gaya ng mga senior citizen.

Maaari naman anyang magtakda ng mga kondisyon ang korte sa palalayaing detainees tulad nang pagharap sa kanilang kaso pagkatapos ng enhanced community quarantine.

TAGS: jail, low risk prisoners, jail, low risk prisoners

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.