Mga maliliit na negosyo dapat malibre sa pagbabayad ng renta

By Erwin Aguilon April 20, 2020 - 11:25 AM

Umapela si Ang Probinsyano Partylist Rep. Alfred Delos Santos sa Department of Trade and Industry (DTI) na malibre na sa pagbabayad ng renta sa buong panahon ng enhanced community quarantine imbes na bigyan ng 30-day grace period ang micro, small and medium enterprises.

Sa sulat ni Delos Santos kay Trade Sec. Ramon Lopez para hinilinging baguhin ang inilabas na memo nito.

Nakasaad sa memo ng DTI na merong grace period sa pagbabayad ng commercial rental fee sa panahon ng ECQ at maaari itong bayaran sa loob ng anim na buwan.

Pero giit ng kongresista, mabigat pa rin ito sa maliliit na negosyo dahil wala namang pumapasok na kita sa kanila ngayon habang ang iba ay patuloy pang nagpapasahod ng empleyado.

Kaya naman hirit nito, i-waive na ang renta para sa MSMEs o kaya naman ay bigyan sila ng diskwento.

Sa ganitong paraan, mas malaki anya ang tsansang makabawi ang mga ito sa pagkalugi at magpatuloy ng negosyo pagkatapos ng krisis.

 

 

 

 

TAGS: Alfred Delos Santos, covid pandemic, COVID-19, department of health, dti, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, MSMEs, News in the Philippines, Radyo Inquirer, rental fee, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, Alfred Delos Santos, covid pandemic, COVID-19, department of health, dti, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, MSMEs, News in the Philippines, Radyo Inquirer, rental fee, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.