PNP nagbabala ng mas maraming pag-aresto kung patuloy na may magpapasaway
Nagbanta ng “massive arrest” ang Philippine National Police (PNP) kung magpapatuloy sa katigasan ng ulo ang publiko sa umiiral na enhanced community quarantine.
Inatasan na ni PNP chief Gen. Archie Gamboa said ang National Capital Region (NCR) regional police director na maghanap na ng detention facilities na paglalagyan sa mas marami pang maaaresto.
Ani Gamboa pinatutukoy niya sa NCRPO ang pagkakaroon ng lugar sa bawat distrito sa Metro Manila na pansamantalang pagkukulungan ng mga madarakip.
Simula noong March 17 hanggang kahapon April 19, umabot na sa 133,000 na katao ang lumabag sa quarantine guidelines ayon sa PNP.
Ang iba sa mga naaresto ay nakasuhan na at naisailalim na sa inquest.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.