Ayon sa gobernador, “napuno na siya” sa dami pa ring sumusuway sa ECQ.
“Nakaka kulo Ng dugo na 90% ay na sunod sa patakaran ngunit may 10% na matigas ang ulo at baka sanhi ng lalong pagkalat ng covid-19. NAKAKAPIKON,” ayonsa gobernador.
Dahil dito, sinabi ng gobernador na mararanasan ang mas mahigpit na patakaran sa lalawigan.
Hiniling na ni Remulla na magtalaga ng mga sundalo sa Cavite.
Makikipag-ugnayan din si Remulla kay Interior and Local Government Sec. Eduardo Año para magamit ang mga tauhan ng Philippine Army at Reservist upang italaga sa lalawigan.
“Nakiusap na po ako sa ating Provincial Director na tawagin na ang ating mga kaibigan sa AFP na maghanda mag deploy Ang AFP dito sa Cavite. Ako po ay makikipagugnayan kay Sec. Año na gamitin na ang Philippine Army at Reservist para pairalin ang ECQ sa Cavite. Mamayang gabi ay babalitaan ko kayo sa aking mga panayam,” ani Remulla.
Sinabi ni Remulla na kailangan niya itong gawin upang tumino ang 10% na pasaway sa Cavite at maisalba ang 90% na sumusunod.