30 pag-aaral isinasagawa sa France para makahanap ng gamot laban sa COVID-19
By Dona Dominguez-Cargullo April 20, 2020 - 09:15 AM
Aabot sa 30 pag-aaral ang ginagawa ngayon sa France para makalikha ng gamot na panlaban sa COVID-19.
Sa tulong na nasa 1,600 na mga pasyente ay isinasagawa ang pag-aaral sa France para makahanap ng solusyon sa sakit.
Sa ngayon may clinical trials nang ginagawa sa France para sa apat na posibleng gamot.
Sa buong mundo aabot sa 860 na pag-aaral ang ginagawa para makahanap ng gamot sa COVID-19.
Nasa 150 programa naman ang nagpapatuloy para makalikha ng bakuna pangontra sa sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.