Empleyado ng DPWH na nakitaan ng sintomas ng COVID-19 pumanaw bago pa lumabas ang resulta ng test
Pumanaw ang isang empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nakitaan ng sintomas ng COVID-19.
Ang nasabing empleyado ay kabilang sa mga empleyado ng DPWH na nagtulung-tulong para mai-convert ang PICC bilang quarantine facility.
Ayon kay DPWH Build Build Build Committee chairperson Anna Mae Lamentillo, nakaranas ng diarrhea ang nasabing empleyado kaya isinailalim ito sa COVID-19 test.
Pero bago pa lumabas ang resulta ay pumanaw na ito.
Tiniyak naman ng DPWH na bibigyan ng tulong ang pamilya ng pumanaw.
Nagsasagawa na rin ng contact tracing sa mga nakasalamuha nito.
Ani Lamentillo ang mga DPWH personnel na nagkaroon ng direct contact sa pumanaw na empleyado ay sasailalim sa self-quarantine habang wala pa ang test result ng nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.