30 bahay nasunog sa Bacoor, Cavite

Halos isangdaang pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na naganap sa Bacoor, Cavite.

Nagsimula ang sunog pasado ala 1:00 ng madaling araw ng Lunes (April 20 na umabot ng 4th alarm

Agad din naman itong naideklarang fire out bago mag alas 2:00 ng madaling araw.

Tinatayang aabot sa 30 bahay ang natupok ng apoy.

Ang lugar na nasunog ay nasa boundary ng isang sementeryo at compound na pag-aari ng Bureau of Jail Management and Penology.

Pansamantalang nasa barangay hall ng Barangay Molino 2 ang mga nasunugang pamilya.

Read more...