Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang lalawigan ng Cotabato.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 3 kilometers Northeast ng bayan ng Tulunan, alas-5:56 madaling araw ng Lunes (April 20).
May lalim na 23 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Naitala naman ang instrumental intensity 1 sa Malungon, Sarangani.
Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.