Easterlies nakakaapekto sa silangang bahagi ng bansa

By Mary Rose Cabrales April 20, 2020 - 06:40 AM

Patuloy na nakakaapekto sa silangang bahagi ng bansa ang Easterlies ngayong ara ng Lunes (April 20).

Magandang panahon, bahagyang maulap hanggang sa maulap napanahon ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon pero sa hapon o sa gabi ay posible pa ring makaranas ng mga pulu-pulong pag-ulan o localized thunderstorms.

Sa bahagi ng Visayas, genrally fair weather pa rin ang mararanasan pero mataas ang tyansa ng mga pag-ulan sa hapon o gabi.

Maulap na kalangitan na posibleng magdulot ng mga kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkulog at pag kidlat sa Caraga at Davao Region dahil sa epekto ng Easterlies habang sa natitirang bahagi ng Mindanao naman ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan maliban na lamang sa mga isolated na thunderstorms.

Walang nakataas na gale warning sa mga baybayin, magiging banayad hanggang sa katamtaman ang pag-alon ng karagatan kung kaya’t maaring maglayag ang ating mga mangingisda at mga may maliliit na sasakyang pandagat.

Samantala, wala namang binabantayang sama ng panahon o low pressure area (LPA) na makakaapekto sa bansa sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw.

TAGS: easterlies, Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, easterlies, Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.