Pagsasailalim sa lockdown sa Sampaloc, Maynila kinumpirma ni Mayor Isko Moreno

Kinumpirma ni Manila Mayor Isko Moreno na isasailalim sa lockdown ang Sampaloc, Maynila.

Pero ayon sa alkalde wala pang petsa kung kailan ito isasagawa dahil masusi pa itong pinag-aaralan at pinaplano ng lokal na pamahalaan.

Planong ipatupad ang 48 oras na lockdown sa lugar.

Ang Sampaloc ang mayroong pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa Maynila.

Sa pinakahuling datos, sa 445 na COVID-19 cases sa lungsod, 98 dito ay mula sa Sampaloc.

Read more...