Columbio, Sultan Kudarat niyanig ng magnitude 4.3 na lindol at 3.7 na lindol
Columbio, Sultan Kudarat niyanig ng magnitude 4.3 at 3.7 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.3 at 3.7 na lindol ang lalawigan ng Sultan Kudarat.
Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang magnitude 4.3 na pagyanig sa 5 kilometers Northeast ng bayan ng Columbio, alas-4:30 madaling araw ng Lunes (April 20) at may lalim na 8 kilometers.
Naitala ang intensity 3 sa Magsaysay, Davao del Sur.
Naitala rin ang sumusunod na instrumental Intensities:
Intensity III – Kidapawan City
Intensity I – Malungon, Sarangani; Koronadal City, South Cotabato
Sumunod naman na naitala ang magnitude 3.7 na lindol sa 4 kilometers Northeast ng bayan pa rin ng Columbio, alas-5:10 madaling araw ng Lunes at may lalim na 5 kilometers.
Naitala naman ang instrumental intensity1 sa Kidapawan City, Cotabato
Tectonic ang origin ng mga pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.