Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang April 19, nasa 984 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 42 na bansa at rehiyon.
585 sa mga nagpositibo ay patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Ayon sa DFA, 259 naman na ang naka-recover o na-discharge na sa ospital.
Umabot naman na sa 140 ang bilang ng nasawi dahil sa sakit.
Pinakamaraming naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Europe na may 350 na kaso.
Sumunod dito ang Asia Pacific Region na may 274 na kaso, Americas na may 207 na kaso at Middle East/Africa na may 153 na kaso.
MOST READ
LATEST STORIES