Malapatan, Sarangani niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang lalawigan ng Sarangani.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 22 kilometers Northwest ng bayan ng Malapatan, alas-2:16 madaling araw ng Lunes (April 20).

Naitala naman ang sumusunod na instrumental intensities:
Intensity 3 – Malungon, Sarangani
Intensity 2 – Alabel, Sarangani; General Santos City

May lalim na 32 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.

Read more...