BREAKING: Mga gumaling sa COVID-19 sa Pilipinas, nadagdagan ng 56

Nadagdagan nang 56 ang bilang ng mga pasyente na gumaling sa COVID-19 sa Pilipinas.

Sa datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Linggo ng hapon (April 19), nasa 572 na ang total recoveries nito sa bansa.

172 naman ang napaulat na panibagong kaso ng nakakahawang sakit sa bansa sa nakalipas na 24 oras.

Dahil dito, ang total confirmed COVID-19 cases sa Pilipinas ay pumalo na sa 6,259.

Samantala, 12 pasyente ang napaulat na nasawi kung kayat ang COVID-19 related deaths ay nasa 409 na.

Read more...