Exodus ng mga OFWs Pabalik sa bansa, pinaghahandaan na ng DOLE

By Den Macaranas February 11, 2016 - 03:58 PM

OFWs-libya
Inquirer file photo

Nakikipag-ugnayan na ngayon ang Department of Labor and Employment sa pribadong sektor kaugnay sa inaasahang pagbabawas ng mga trabaho sa Middle East kaugnay sa patuloy na pagbulusok sa presyo ng petrolyo.

Sinabi ni Labor Sec. Rosalinda Baldoz na napansin nila ang pagbabawas ng mga tauhan ng ilang kumpanya sa gitnang silangan kung saan kabilang sa mga direktang naapektuhan ay ang ilang mga Overseas Filipino Workers (OFW).

Ayon sa kalihim, pawang mga OFW-tailored programs and services ang kanilang prayoridad sa kasalukuyan.

Sa kasalukuyan ay inaalam pa rin ng DOLE kung ilang mga manggagawang mga Pinoy sa abroad siyang maaapektuhan ng pagbabawas ng mga trabahador.

Ilang grupo ng mga manufacturing firms ang nakausap na ng DOLE para sa kanilang proyekto na kinabibilangan ng Philippine Plastics Industry Association, Inc.; Philippine Association of Local Service Contractors, Inc.; Information Technology and Business Process Association of the Philippines, Inc.; Cement Manufacturers Association of the Philippines; Aerospace Industries Association of the Philippines; and Ayala Land Inc.

TAGS: Baldoz, DOLE, Middle East, ofw, oil, Baldoz, DOLE, Middle East, ofw, oil

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.