Asahang makakaranas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.
Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 2:29, Linggo ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Tarlac, Zambales, Bulacan, Laguna at Quezon.
Sinabi ng weather bureau na mararamdaman ang nabanggit na lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.
Payo naman ng PAGASA, maging maingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.