Highest temperature sa ilang lugar sa bansa, naitala ng PAGASA
Mainit at maalinsangang panahon ang naitala sa ilang lalawigan sa bansa.
Ayon sa PAGASA, limang stations nila ang nakapagtala ng highest temperature sa araw ng Sabado, April 19.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
– Zamboanga City – 37.9 degrees Celsius
– Cotabato City – 37.8 degrees Celsius
– San Jose, Occidental Mindoro – 37.8 degrees Celsius
– Tuguegarao City – 37.2 degrees Celsius
– General Santos City – 37.0 degrees Celsius
Payo ng PAGASA, dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang physical activities lalo na tuwing tanghali at hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.