Bilang ng pulis na apektado ng COVID-19, 67 na


Nasa 67 na ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19.

Sa huling datos ng Philippine National Police (PNP) hanggang 6:00, Sabado ng gabi (April 19), 67 na ang confirmed COVID-19 positive cases na pulis.

54 na pulis ang itinuturing na “probable” habang 615 naman ang “suspect.”

Batay pa sa datos, walong pulis ang nakarekober sa nakakahawang sakit at tatlo ang pumanaw.

Sakaling nakakaranas ng sintomas ng COVID-19, sinabi ng pambansang pulisya na agad makipag-ugnayan sa PNP Health Service.

Read more...