outbrain

Halos 200 sari-sari stores na apektado ng COVID-19 sa San Jose Delmonte City binigyan ng tulong

April 18, 2020 - 08:00 AM

Aabot sa 179 na sari-sari store sa San Jose del Monte City, Bulacan ang tumanggap ng ayuda mula kay Congresswoman Rida Robes.

Ayon kay Congresswoman Robes, sa ilalim ng kaniyang Handog Patnubay Program, tatanggap ng grocery package na nagkakahalaga ng P3,000 ang mga natukoy nilang benepisaryo sa may
limampu’t siyam na barangay.

Mga small scale na sari-sari store ang mga ito na napili dahil naubusan na nang paninda at wala nang puhunan habang umiiral na Enhanced Community Quarantine.

Sa isinagawang sugod bahay,sampung sari-sari store agad na nabigyan ng grocery package.

Idinonate mismo ng kongresista ang kaniyang unang dalawang buwan sahod upang magamit na ayuda sa kanilang small scale businesses.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.