COVID-19 cases sa Muntinlupa City, nasa 115 na
By Angellic Jordan April 18, 2020 - 04:59 PM
Umabot na sa 115 ang bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.
Sa huling tala hanggang 3:00, Sabado ng hapon, 147 ang itinuturing na ‘probable’ kung saan 13 ang cleared na.
Pinakamaraming tinamaan ng COVID-19 sa bahagi ng Ayala Alabang na may 30 cases.
76 naman ang itinuturing na ‘suspect’ sa sakit kung saan 313 ang cleared na.
Sa ngayon, 14 pasyente na ang gumaling sa nakakahawang sakit habang 17 ang pumanaw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.