Bilang ng Filipino na apektado ng COVID-19 sa abroad, nasa 868 na – DFA

Nadagdagan pa ang bilang ng mga Filipino na apektado ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang April 18, nasa 868 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 42 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 498 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Ayon sa DFA, 255 naman ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Nasa 115 na ang bilang ng nasawi dahil sa sakit.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Asia Pacific Region na may 273 na kaso.

Sumunod dito ang Europe na may 244 na kaso, Middle East/Africa na may 152 na kaso habang ang Americas naman ay may 199 cases.

Read more...