PAGASA, nakapagtala ng mainit na temperature sa ilang lugar sa bansa
Nakapagtala ng mainit at maalinsangang panahon sa ilang lalawigan sa bansa.
Sa datos ng PAGASA, araw ng Biyernes (April 17), naitala ang pinaka-mainit na temperatura sa San Jose, Occidental Mindoro.
Umabot sa 37.5 degrees Celsius ang temperatura sa nasabing lugar.
Sumunod dito ang Cotabato City na nakapagtala ng temperatura na 37.4 degrees Celsius.
Narito naman ang naramdamang init sa iba pang lugar:
– Guiuan, Eastern Samar – 36.6 degrees Celsius
– Tagum City – 36.1 degrees Celsius
– Tuguegarao City – 36.0 degrees Celsius
Payo ng PAGASA, dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang physical activities tuwing tanghali at hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.