Bulacan at ilang parte ng Quezon, makakaranas ng pag-ulan

By Angellic Jordan April 18, 2020 - 11:22 AM

Makakaranas ng pag-ulan sa ilang lalawigan ng Luzon.

Batay sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 10:47 ng umaga, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Bulacan.

Maliban dito, iiral din ang nasabing lagay ng panahon sa Quezon partikular sa Burdeos, Panukulan at Polillo.

Sinabi ng PAGASA na mararanasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.

Babala ng weather bureau, maging maingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

TAGS: Bulacan, Pagasa, Quezon, thunderstorm advisory, Bulacan, Pagasa, Quezon, thunderstorm advisory

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.