Senatorial bet Francis Tolentino may hamon sa mga kapwa kandidato

By Jan Escosio February 11, 2016 - 01:48 PM

FRANCIS-TOLENTINO-0308Nanawagan si dating MMDA Chairman at ngayon ay independent senatorial candidate Francis Tolentino sa mga kapwa niya kandidato na tumutok na lang sa mga mahahalagang isyu.

Ayon kay Tolentino ang dapat linawin ng mga kandidato ang kanilang mga plataporma para matiyak ang inclusive growth sa lahat ng sektor ng lipunan sa pamamagitan ng pagbibigay ng de kalidad na serbisyo sa mamamayan.

Sinabi ni Tolentino na para sa kanya mahalaga na maisulong ang pantay na oportunidad sa lahat para ang lahat ng sektor ay mabebenipisyuhan at sa kanya, prayoridad niya ang edukasyon at kalusugan sa paniniwalang malaki ang magiging kontribusyon nito sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

Gayunman, ipununto din nito na dapat ay magkaroon ang mga kapwa niya kandidato ng malinaw na paninindigan ukol sa isyu ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea at sa paghahanda sa mga kalamidad.

Tumatakbo si Tolentino sa campaign slogan niya na tulong Tino o tulong sa tao, tino sa pamumuno.

TAGS: Chairman Tolentino, Francis Tolentino, Chairman Tolentino, Francis Tolentino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.