Global death toll sa COVID-19, higit 154,000 na

Patuloy pa rin ang paglobo ng bilang ng mga nasawi dahil sa Coronavirus Disease.

Sa huling datos, nasa kabuuang 154,256 ang global death toll bunsod ng nakakahawang sakit.

Pinakamarami pa ring naitala sa Estados Unidos na may 37,158.

Sumunod dito ang bansang Italy na may 22,745 deaths at Spain na may 20,002 pasyente na nasawi.

Narito naman ang bilang ng nasawi sa iba pang bansa at teritoryo:
– France – 18,681
– UK – 14,576
– Belgium – 5,163
– Iran – 4,958
– China – 4,632
– Germany – 4,352
– Netherlands – 3,459
– Brazil – 2,171
– Turkey – 1,769
– Sweden – 1,400
– Switzerland – 1,327
– Canada – 1,310
– Portugal – 657
– Ireland – 530
– India – 486
– Austria – 431
– Peru – 300
– Russia – 273
– South Korea – 232
– Japan – 190
– Israel – 151

Samantala, sumampa na sa 2,250,737 ang total confirmed COVID-19 cases sa buong mundo.

Read more...