Bilang ng COVID-19 cases sa Quezon City, pumalo na sa higit 1,000

Sumampa na sa mahigit 1,000 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Sa huling datos hanggang 11:00, Biyernes ng gabi (April 17), nasa 1,016 na ang tinamaan ng nakakahawang sakit.

848 ang kumpirmadong kaso na may kumpletong address habang 690 naman ang na-validate na ng QCESU at district health offices.

Batay pa sa datos, 517 ang active at recovering cases, 83 ang gumaling na at 90 ang pumanaw.

Read more...