Sunog sa isang residential area sa Tondo, Maynila

By Angellic Jordan April 18, 2020 - 10:54 AM

Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Tondo, Maynila Sabado ng umaga.

Batay sa ulat, apektado ng sunog ang residential area sa Happy Land sa Barangay 105.

Mabilis ang pagkalat ng apoy kung kayat itinaas na sa Task Force Alpha ang alerto.

Patuloy pa ring inaapula ng mga bumbero ang sunog sa nasabing lugar.

Hindi pa rin tiyak kung ano ang sanhi ng insidente.

TAGS: Happy Land, Manila DRRMO, Maynila, sunog, Tondo, Happy Land, Manila DRRMO, Maynila, sunog, Tondo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.