Nabatid na nagsasagawa ng combat operation ang mga tauhan ng 21st Infantry Batallion ng Philippine Army nang makasagupa ang nasa 40 miyembro ng ASG na pinamumunuan nina Radullan Sahiron at Hatib Hadjan Sawadjaan sa Sitio Bud Lubong, Bgy. Danag, Patikul, Sulu.
Tumagal ang engkwentro ng halos isang oras bago tuluyang tumakas ang mga terorista patungo sa hilagang-silangang bahagi ng lugar.
Tinangay din ng mga tauhan ng ASG ilang mga baril, mga bala at handheld radio ng mga sundalo.
Dinala na sa Camp Teodolfo Bautista Hospital sa Jolo, Sulu at sa Camp Navarro Hospital sa Zamboanga City ang mga nasugatang sundalo.
Ayaw pa namang banggitin ng mga awtoridad ang pangalan ng mga nasawing sundalo dahil ipaaalam muna ito sa kanilang pamilya.
Nakatakda namang dalhin sa headquarters ng Western Mindanao Command sa Zamboanga City ang mga nasawing sundalo.