Bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa Laguna umabot na sa 198

Muling nadagdagan ang bilang ng nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Laguna.

Base sa huling datos ng Lokal na pamahalaan ng Laguna, pumalo na sa 198 ang kabuuang kaso (Biyernes, April 17 6:00 PM).

Ang mga lugar na may kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay ang sumusunod:

San Pedro – 30
Santa Rosa – 24
Biñan – 23
Calamba – 18
Santa Cruz – 16
Los Baños – 15
San Pablo – 14
Cabuyao – 8
Bay – 5
Calauan – 5
Liliw – 5
Pagsanjan – 5
Pila – 5
Victoria – 5
Nagcarlan – 4
Alaminos – 3
Majayjay – 3
Cavinti-2
Kalayaan – 2
Lumban – 2
Famy – 1
Mabitac – 1
Paete – 1
Pakil – 1

Sa nasabing bilang 104 pa ang naka-admit sa mga ospital, 39 ang sumasailalim sa home quarantine at 38 na ang naka- recover.

Nasa 17 naman na ang bilang ng nasawi sa lalawigan.

Read more...