Matataas na opisyal ng PNP nagninong sa kasalang bayan sa Kampo Crame ngayong araw

By Ruel Perez February 11, 2016 - 11:44 AM

kasalanang bayan ruelEksakto sa buwan ng mga puso, 19 na pares ng magsing-irog ang nagpalitan ngayon ng “I do’s” kaugnay ng taunang mass wedding o kasalang bayan dito sa St Joseph Church sa Kampo Crame.

Ang mga magkasintahan o magpartner ay pawang mga police personnel at mga opisyal na nakatalaga sa iba’t ibang units ng PNP.

Nagsisilbing officiating minister si Most Reverend Leopoldo Tumulak habang naka alalay naman si PNP Chaplain Service OIC Police Sr Supt, Rev Father Eligio Mativo,

Tumayo bilang principal sponsors o mga ninong sina PNP Chief, Police Director General Ricardo Marquez at maybahay nitong si Ginang Luzviminda Marquez.kasalanang bayan ruel 2

Kasama rin sa mga ninong sina Police Deputy Director Generals Marcelo Garbo Jr, Danilo Constantino at Francisco Uyami at kani- kanilang mga kabiyak.

Bestman naman si Mr International 2014 PO2 Mariano Flormata Jr.

Ang taunang libreng kasal ay ibinibigay ng pnp para hikayatin ang kanilang mga tauhan at mga opisyal na mabasbasan ng simbahan ang pagsasama ng kani kanilang mga mahal sa buhay.

TAGS: Kampo Crame, kasalang bayan, Matataas na opisyal ng PNP nagninong, Kampo Crame, kasalang bayan, Matataas na opisyal ng PNP nagninong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.