LOOK: 3 COVID-19 patients sa Navotas gumaling na
Tatlo pang COVID-19 patients sa Navotas City ang gumaling sa sakit.
Ayon kay Navotas City Mayor Toby Tiangci, sina Emiliano Siochi, 81, ng Brgy. San Jose; Potenciana Descaya, 60, mula sa NBBS Kaunlaran; at Elorde Laurente, 58, mula sa NBBS Dagat-dagatan ay pawang ginamot sa Navotas City Hospital sa loob ng mahigit dalawang linggo.
Ngayong araw sila ay nakauwi na sa kani-kanilang bahay.
Mayroon nang apat na recoveries na naitala sa Navotas.
Pinasalamatan naman ni Tiangco ang mga health workers at city frontliners.
Pinaalalahanan din angmg te na mahigpit na ipinagbabawal ang diskriminasyon sa mga COVID patients.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.