Bilang ng mga Pinoy sa ibang bansa na nasawi sa COVID-19 nadagdagan pa

By Dona Dominguez-Cargullo April 17, 2020 - 06:03 PM

Umakyat na sa 837 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy sa ibang bansa na nakupirmang positibo sa COVID-19.

Base ito sa pinakahuling datos mula sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon sa DFA, nakapagtala ng 88 panibagong kumpirmadong kaso at ito na ang pinakamataas na naitala ng DFA sa araw-araw na inilalabas na datos simula noong March 2020.

Nakapagtala naman ng tatlo pang Pinoy na pumanaw sa COVID-19 kaya umabot na sa 106 na Pinoy sa ibang bansa ang nasawi sa sakit.

Habang may naitalang 8 gumaling kaya 248 na ang mga Pinoy na naka-recover sa sakit.

TAGS: covid pandemic, covid patients, COVID-19, department of health, DFA, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, News in the Philippines, OFWs, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, covid patients, COVID-19, department of health, DFA, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, News in the Philippines, OFWs, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.