Mahigit 1,200 idinagdag ng Wuhan sa COVID-19 death toll
Matapos na ilang araw na makapagtala ng mababang bilang ng kaso at nasawi ay naglabas ng revised na bilang ng kanilang death toll ang Wuhan City sa China.
Ayon sa sa state-run media na CCTV, may naitalang 1,290 ang idinagdag ng Wuhan sa bilang ng nasawi sa bansa dahil sa COVID-19
Ikinatwiran ang pagkakaroon ng “reporting issues” sa pagbabago ng datos.
Dahil dito ang China ay mayroon nang 4,632 na death toll at mahigit 82,600 na COVID cases.
Ayon sa foreign ministry ng China, ang prevention and control taskforce ng Wuhan ang nagpalabas ng revise na death toll.
Mula sa 2,579 na death toll sa Wuhan ay ginawa itong 3,869.
Nagsagawa umano ng “statistical verification” ang mga otoridad sa COVID-19 toll para matiyak na tama ang datos.
Itinanggi naman ng mga otoridad na nagkakaroon ng cover-up sa totoong figures.
Kabilang sa mga nadagdag sa bilang ang mga pasyenteng pumanaw sa kanilang mga bahay bago pa madala ng ospital.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.