SC nagdaos ng virtual en banc session
Idinaos sa kauna-unahang pagkakataon ang online Special En Banc Session ng Korte Suprema.
Ginawa ang online deliberations umaga ng Biyernes (April 17) na dinaluhan ng lahat ng mga mahistrado base sa screeshot na ibinahagi ng SC Public Information Office.
Kabilang sa tinalakay ang urgent petition na humihiling na palayain ‘on humanitarian grounds’ ang mga ‘at risk’ na bilanggo ngayong may COVID-19 pandemic.
Binigyan ng SC ang Office of the Solicitor General bilang respondent sa petisyon na magsumite ng komento hanggang April 24,2020.
Sinabi ng SC na ‘non extendible’ ang nasabing petsa para makahain ng komento ng OSG.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.