Pagkakaroon ng National ID dapat madaliin ng PSA

By Erwin Aguilon April 17, 2020 - 04:16 PM

Pinamamadali ni House Tourism Committee Chairman at Laguna Rep. Sol Aragones sa Philippine Statistics Authority (PSA) ang pag roll-out ng National ID system para sa lahat ng mga Pilipino.

Ayon kay Aragones, isa sa mga pangunahing may-akda ng RA No. 11055 o ang Philippine Identification System Act, nakita ngayong krisis sa COVID-19 ang kahalagahan ng pagkakaroon ng komprehensibong database para sa mabilis na pagtukoy ng mga mahihirap na pamilya na entitled para sa emergency aid o subsidies mula sa gobyerno.

Kung mayroon anyang National ID ang lahat ng mga Pilipino ay magiging mabilis at epektibo ang pamamahagi ng financial assistance sa mga vulnerable sectors.

Mapapaikli din aniya ang panahon para sa pag-identify, assessment at validation ng listahan ng mga beneficiaries.

Dahil dito, hiniling ni Aragones na oras na matapos ang enhanced community quarantine ay dapat madaliin na ng PSA ang pag-roll out ng National ID.

Paliwanag ng kongresista, hindi lamang ngayong may coronavirus disease magagamit ang National ID kundi magagamit din ang sistema sa mga localized disaster response efforts lalo na tuwing may kalamidad.

 

 

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, national ID system, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, national ID system, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.