COVID-19 testing facility sa Marikina City maari nang mag-operate sa Martes – Duque
Binisita ni Health Secretary Francisco Duque III ang bagong COVID-19 testing facility sa Marikina City.
Matapos ang isinagawang inspeksyon, sinabi ni Duque na maari nang magsimula sa Martes ang operasyon ng Molecular Diagnostic Laboratory n glungsod.
Ayon pa kay Duque ang naturang pasilidad sa Marikina ang “one of the best laboratories” na kaniyang nakita.
Umaasa ang health chief na magiging modelo ang Marikina para sa ibang LGUs upang mapalawig ang testing capacity sa bansa.
Nakausap ni Duque si Marikina City Mayor Marcy Teodoro.
Gayundin sina San Mateo, Rizal Mayor Tina Diaz at Antipolo City PIO Jun Ynares dahil ang San Mateo at Antipolo ay gagamitin din ang nasabing COVID-19 laboratory para sa kanilang suspected COVID patients.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.