70 anyos na lola patay sa sunog sa Maynila

Isang 70 anyos na lola ang nasawi sa sunog na naganap sa Sta. Ana, Maynila.

Ayon kay Sr. Insp. Guillermo Fermalino ng Manila Fire Bureau, ang biktima ay nakilalang si Helen Alvarez.

Nasunog ang bahay ni Alvarez sa bahagi ng Diamante Street sa Barangay 791.

Nagsimula ang sunog alas 12:30 ng tanghali at agad naapula alas 12:40 ng tanghali.

Read more...