Rice importation rules dapat luwagan ayon kay Rep. Salceda

By Erwin Aguilon April 17, 2020 - 01:12 PM

Pinaluluwagan ni House Committee on Ways and Means chairman Joey Sarte Salceda sa pamahalaan ang proseso sa pag-aangkat ng bigas kasunod ng nararanasang krisis dulot ng COVID-19.

Ayon kay Salceda, kailangan din na matiyak ang mga kasunduan sa ibang bansa ukol dito upang maiwasan ang kakulangan sa supply ng bigas.

Relax rules and regulations on rice importation. Consolidate small import orders through the Philippine International Trading Corporation (PITC),” ani Salceda.

Sinabi nito na mahalaga ang nasabing hakbang dahil sa kawalan ng katiyakan na makakapag-angkat ng bigas ang Pilipinas mula sa Vietnam at Thailand.

Nauna nang binabaan ng Thailand ang kanilang exports sa 8 million metric tons mula sa dating 10 million metric tons dahil sa tagtuyot habang pansamantalang ipinagbawal ng Vietnam, na siyang pinakamalaking exporter ng bigas, ang pag-export ng bigas upang sa gayon matiyak naman nila na mayroon silang sapat na domestic supply sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Iginiit naman ni Salceda na dapat matiyak ng Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) na hindi magkaroon nang aberya sa movement ng rice supply, gayundin ang iba pang materyales at kagamitan na kakailanganin sa rice production.

Mainam din aniya kung mabigyan ng permits para magamit sa enhanced community quarantine ang mga nagtatrabaho sa rice supply chains tulad ng mga magsasaka at nagde-deliver ng bigas sa mga warehouses.

Ito ay matapos na harangin aniya kamakailan sa quarantine checkpoints ang ilang trucks na magde-deliver sana ng bigas sa warehouse ng National Food Authrotiy sa Malolos, Bulacan.

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Rep JOey Salceda, rice importation, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Rep JOey Salceda, rice importation, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.