Ayon sa DOTr, kabuuang P50.7B ang kanilang nai-remit sa National Treasury simula 2017 hanggang ngayong taon kung saan pinakamalaki ngayong 2020 na P17.3B nasundan noong 2018 na P12.2B; P11.1B noong 2019 at P10.1B noong 2017.
Sa record ng DOTr Finance hindi hamak na tatlong beses na mas mataas ang nasabing remittance kumpara noong taong 2013 hanggang 2016 na aabot lamang sa P17.7 billion.
Ngayong taon lamang dahil sa atas ni Transport Secretary Arthur Tugade ay nagremit ng advance ang mga state-owned corporations sa DOTr upang magamit sa paglaban ng pamahalaan sa covid-19.
Sa ilalim ng ng batas lahat ng Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs) ay kailangang magremit ng kanilang dividends sa National Treasury kada May 15 ng taon o bago sumapit ang nasabing araw.
Samantala, umabot naman sa P29.3B ang kabuuang remittance ng mismong DOTr at mga attached agencies nito noong 2019.
Sa nasabing halaga pinakamalaki ang naisumiteng kita sa pamahalaan ang Land Transportation Office na P24B habang tig-isang bilyong piso ang DOTr-Proper at ang Office for Transportation Security .
Sabi ni Tugade, ang nasabing dividends na isinulit sa National Treasury ay makatutulong upang mapondohan ang mga ginagawang hakbang ng pamahalaan para masugpo ang pagkalat pa ng covid-19 at magamit din sa iba pang proyekto ng gobyerno.
“It’s important for us to realize the urgency of turning over in advance our respective dividends. The President has directed his administration to generate funds to help the country cope with the pandemic. And this is our way of showing how eager we are to help by doing our obligations,” ani Tugade.