Hindi na kailangang maghintay ng katapusan ng Abril para matukoy ang trend ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III ngayong nakapagsimula na ang DOH sa mas pinaigiting na mass testing ay maaring sa mga susunod na araw matukoy na ang COVID-19 curve.
Patuloy ring nadadagdagan ang bilang ng mga laboratoryo na kayang makapagsagawa ng proseso ng COVID test.
Sa mga susunod na araw ayon kay Duque ay makapagbibigay ng pagtaya ang DOH sa kaso ng COVID-19.
Base sa trend ng kaso ay malalaman kung ano ang irerekomenda ng task force kay Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa umiiral na enhanced community quarantine sa bansa.
READ NEXT
Bahagi ng kalsada na pinipilahan ng mga namimili sa Maynila, pininturahan para masiguro ang social distancing
MOST READ
LATEST STORIES