P2.67 billion halaga ng droga susunugin ng PDEA

pdeaAabot sa P.2.67 bilyong halaga ng illegal drugs ang wawasakin sa pamamagitan ng pagsunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ngayong araw.

Isasagawa sa Intergrated Waste Management Inc. Barangay Aguado Trece Martirez sa Cavite ang pagdidispatcha sa iba’t ibang uri ng droga na nasawata ng nasabing ahensya.

Tinatayang nasa 1.6 metric tons ng ibat ibang uri ng droga na naging ebidebsya tulad ng shabu, liquid shabu, ketamine, marijuana, at 5 uri pa ng iligal na droga ang hawak ng PDEA.

Ang iba pang uri ng droga ay ang ephedrine, aziridine, norephedrine, pseudoephedrine at mga expire na medicine.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo Cacdac Jr., karamihan sa susunugin na shabu ay mula sa San Fernando Pampanga na narekober ng PDEA nuong September 12,2014.

Read more...