7,448 PPE shipments, nai-release ng BOC

Umabot na sa 7,448 na PPE shipments ang nai-release ng Bureau of Customs (BOC).

Kahapon, April 16, ay nakapag-release ng 213 pa na PPE shipments ang Customs.

Ang mga shipment ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Cebu, Clark at Limay, Bataan.

Simula noong March 9, 2020 ay tiniyak ng Customs ang same-day release sa mga PPE shipment at iba pang kargamento na ang laman ay medical supplies at donasyon para sa COVID-19 response sa bansa.

 

 

 

 

Read more...