Mas maraming pulis ipakakalat para ipatupad ang quarantine rules
By Dona Dominguez-Cargullo April 17, 2020 - 09:58 AM
Mas maraming pulis ang ipakalalat para ipatupad ang enhanced community quarantine.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, ang mga ipakakalat na pulis ang aaresto sa lahat ng lumalabag sa quarantine protocols.
Ito ay matapos ipag-utos ni Pangulong Duterte na arestuhin ang mga pasaway lalo na ang mga nagpapatupada pa at nagsusugal.
Sinabi ng pangulo na mapipilitan ang gobyerno na ipatupad ang lockdown na kahalintulad ng martial-law kapag nagpasaway pa rin ang marami.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.