Hackers tinangkang pasukin ang website na naglalaman ng datos tungkol sa COVID-19 treatment research ng US
Tinangka ng hackers na pasukin ang website na naglalaman ng datos tungkol sa COVID-19 treatment research ng US.
Ayon kay Federal Bureau of Investigation Deputy Asst. Dir. Tonya Ugoretz, may mga nakita silang state-backed hackers na nagmamanman sa datos.
Ilan dito ang nagtangka nang pasukin ang mga datos pero nabigo.
Pawang mula sa ibang bansa ang mga hacker pero hindi tinukoy ng opisyal kung anong bansa.
Madalas na tinatarget ng hackers ang biopharmaceutical industry pero nagtaas ng seguridad ang mga ito lalo na ngayong may krisis sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.