Employers maari nang magproseso ng aplikasyon para sa Small Business Wage Subsidy ng pamahalaan
Hiniling ng Department of Finance (DOF) sa mga employer ng maliliit na negosyo na simulan na ang proseso ng aplikasyon para Small Business Wage Subsidy ng pamahalaan.
Sa ilalim ng naturang programa ng gobyerno, aabot sa mahigit 3 milyong manggagawa mula sa 1.6 million na small businesses ang tatanggap ng P8,000 sa loob ng dalawang buwan.
Ayon kay Finance Asst. Sec. Tony Lambino, automated naman ang processing base sa listahan at sistema ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at ng Social Security System (SSS).
Magiging prayoridad aniya ang mga employer na mayroong magandang rekord o compliant sa BIR at SSS dahil kumpleto ang datos at impormasyon ng mga empleyado.
Ayon kay Lambino, sa 1.6 million small businesses ay 436,300 ang nahinto ang operasyon.
Mayroong 1 milyon ang nag-ooperate gamit ang skeletal forces.
At mayroong 117,666 ang patuloy na nakakapag-operate.
Sa pagtaya ay aabot sa 3.4 milyon na manggagawa ang apektado o nawalan ng trabaho at hindi sumusweldo.
Sa NCR, ang mga manggagawa ay tatanggap ng P8,000 sa loob ng dalawang buwan.
Target ng pamahalaan na mula May 1 ay mai-release na ang unang bahagi ng subsidiya.
Sinabi ni Lambino na ang mga manggagawa na tumanggap na ng P5,000 ayuda sa ilalim ng CAMP ng Department of Labor and Employment (DOLE) ay tatanggap pa din ng isang buwang P8,000 ayuda.
Habang ang mga manggagawa na hindi nakatanggap sa ilalim ng CAMP ay makatatanggap pa rin ng pang-dalawang buwang ayuda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.