Mainit at maalinsangang panahon patuloy pa ring mararanasan sa bansa dahil sa Easterlies – PAGASA

By Mary Rose Cabrales April 17, 2020 - 06:27 AM

Easterlies pa rin ang nakakaapekto sa bansa ngayong araw ng Biyernes (April 17).

Ayon sa 4AM PAGASA weather update, mainit at maalinsangang panahon patuloy pa rin ang mararanasan sa bansa dahil sa epekto ng Easterlies.

Generally fair weather o maaraw, bahagyang maulap hanggang sa maulap na panahon ang mararanasan na may inaasahang mga pag-ulan o isolated rain showers sa hapon at sa gabi ang mararanasan sa Metro Manila at buong Luzon sa susunod na 24 oras.

Magandang panahon rin ang mararanasan sa Visayas at Mindanao, bahagyang maulap hanggang sa maulap na panahon ang mararanasan na may inaasahang mga pag-ulan o isolated rain showers sa hapon at sa gabi.

Wala namang nakataas na gail warning sa mga baybaying dagat kaya’t maaring maglayag ang mga mangingisda ngayong araw.

Samantala, Wala namang nakikitang sama ng panahon o low pressure area (LPA) na maaaring makaapekto sa bansa loob ng 3 hanggang 5 araw.

 

 

TAGS: easterlies, Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, easterlies, Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.