Pangulong Duterte sa mga crematorium: Huwag kayong magtaas ng singil

By Dona Dominguez-Cargullo April 17, 2020 - 05:50 AM

Hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga crematorium na huwag magtaas ng kanilang singil.

Ayon sa pangulo dapat ay panatilihin ang singil na ipinatutupad nila bago magkaroon ng enhanced community quarantine.

“Ito namang may-ari ng crematorium, may I ask you to maintain yung presyo ng cremation before quarantine. Ibig sabihin, yung presyo na wala pa tayong problema, yun ang ibigay ninyo. Nakikiusap ako,” ayon sa pangulo.

Una rito sinabi ng Inter Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na inaatasan ang mga LGU na magtalaga ng funeral service facilities para sa mga pumanaw na COVID-19 patients.

Ito ay dahil sa mga ulat na may mga pamilyang nahihirapang makakuha ng serbisyo kapag ang mahal nila sa buhay ay nasawi sa COVID-19.

Ayon sa IATF ang punerarya na tatanggi ay maaring maparusahan.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, crematorium, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, News in the Philippines, president duterte, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, crematorium, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, News in the Philippines, president duterte, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.