Confirmed COVID-19 cases sa Mandaluyong City, nasa 248 na

Umabot na sa mahigit 200 ang tinamaan ng COVID-19 sa Mandaluyong City.

Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 5:45, Huwebes ng hapon (April 16), nasa 248 na ang kabuuang bilang ng confirmed COVID-19 cases sa lugar.

136 ang na-discharge na sa mga ospital.

Samantala, 29 na pasyente ang naka-recover sa sakit habang 24 ang pumanaw.

Nasa 526 naman ang itinuturing na ‘suspect’ sa lungsod.

Read more...