Balbula ng Maynilad sumabog sa Stop and Shop, Sta. Mesa, Maynila

By Erwin Aguilon February 11, 2016 - 09:31 AM

water falls erwin
Kuha ni Erwin Aguilon

Aabot sa apat na libong customer ng Maynilad ang walang suplay ng tubig matapos na sumabog ang kanilang tubo sa bahagi ng Ramon Magsaysay Blvd., Mangga, Sta. Mesa. Maynila.

Ayon sa mga residente, alas onse pa kagabi nang bumulwak ang tubig mula sa Mangga Station ng Maynilad habang may ginagawa ang mga tauhan ng Maynilad.

Nabatid na habang nirerepair ng taga Maynilad ang tagas ng tubig nagkaroon ng pagsabog sa pinagdudugtungan ng tubo hanggang sa hindi na ito nakontrol.

water falls richard
Kuha ni Richard Garcia

Nagmitulang water falls naman ang lugar dahil sa mga tumatapong tubig na umabot pa sa Pureza Station ng LRT2.

Maging ang mga bahay ay pinasok rin ng hanggang tuhod na baha.

Ang mga residente naman dahil sa walang tubig sa kanilang bahay sa tinaguriang Maynilad waterfalls na nag igib habang ang mga bata ay tuwang tuwa naman sa paglalaro.

Perwisyo rin ang idinulot nito sa mga estudyante ng PUP at mga sumasakay ng mga pamapasaherong sasakyan na tumatawid sa lugar dahil nabasa sila ng tubig maging ang kanilang mga gamit.

TAGS: baha sa Sta Mesa Manila, Balbula sumabog, maynilad, baha sa Sta Mesa Manila, Balbula sumabog, maynilad

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.